Ok lang kahit walang ka-Valentines

I ship Maine Mendoza and Alden Richards for real. Today is 12 February 2016. Obviously, tomorrow is Valentines Day I don't have a date and I don't really care not bitter really :). Anyways, back to MainChard or Aldub may nabasa ako sa twitter na ok lang na wala silang ka-date basta nakapag-date sina Maine and Richard. To be honest yun din ang nararamdaman ko. Aldub is my happy pill. I don't care kung sabihin nilang jologs ako basta I like them. I want them to be together as a couple in real life. Sana, sana maging sila talaga. Just want to share yung poem na ginawa ni Richard aka Alden kay Maine naiyak ako dito kasi si Richard na ito hindi na si KS Alden. It was actually written by him and read it in front of Maine in national television.
 (ccto: Owner)

Kung nanonood ka ng Kalyeserye at active ka sa twitter you know na si Richard yan hindi si KS Alden. Marami syang basher kasi sinasabi na ginagamit nya lang si Maine etc. etc. etc. Base sa poem alam mo na may something na sa kanya na may feelings na sya kay Maine. 

Ito naman yung sagot ni Maine. Written and read by Maine also dito naiyak din ako kasi naman alam mo na galing sa puso at alam mo na si Maine yung nagsulat hindi si Yaya Dud na alter-ego nya sa KS.

Sino ka nga ba at paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Madalas nga ay hindi ako mapakali
Sa dami ng bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib
Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat
Kaya dapat daw akong maging maingat
Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang nararapat?
Inaamin kong ako’y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko
Pero ano nga ba ang magagawa ko?
Tila ang loob ko ay unti-unting nahuhulog sayo
Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba’y aking gusto
Ngunit ang isip ko’y nagsimulang magtalo
Maaaring “hindi” ang bulong ng isipan ko
Pero nararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay “oo”,
May mga oras na isip ko’y gulong-gulo
Sapagkat hindi ko na malaman kung alin ba ang totoo
Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa iyo
Hindi ko rin alam kung tama bang sundin ang puso ko
Alam mo ba na mahirap kang basahin?
Kaya tila bang kay hirap mong mahalin
Sa takot na baka hindi mo ako saluhin
Ayos lang, basta’t kailanman wag mo akong lolokohin
Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso ko
At magbakasakali kung pangalan mo ba ang sinisigaw nito
Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo,
Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo,
Tila sa puso ko ikaw lang ang aking nakikita
Dapat na bang aminin aking sinta,
Tama bang sabihin sa iyo?
Tamang panahon na lang ang hinihintay ng puso ko.

This is Maine. Hindi si Divina yan, sana, sana in time maging sila. They really look good together and mafefeel mo naman na they really love each other (or baka kaya yun ang nararamdaman ko kasi fan ako at gusto ko talaga silang maging sila sa totoong buhay). Kahit wala na akong forever basta sila meron ok na ako.

 (ccto: Alden's IG)

Comments

Popular posts from this blog

My Current Addiction: 2days 1night

Bumming

Shocker! Lee Jia is married and divorcing....