Full House 2?
Isa na naman 'to sa mga ka-cheapan ko sa buhay pero in a good way. Many years back nahilig ako sa show na 'to pero hindi naman kasing addick ng friend ko na si Norie, yes yung kaibigan kung na-blog ko na rin na kinasal at residente (residente!?) ng Zambales. Na pati buhok at hikaw na mga frutas ni Jessie yung bidang babae sa Full House ay ginagaya at take note ganun ang hair style nya pagpapasok sa office, imagine kung anong kahihiyan ang naramdaman ko ng panahaon na yun dahil sabay kaming palaging pumasok sa office. Isa pa kung nanonood kayo ng show na 'to alam kung naaalala nyo yung bike ni Jessie yung may basket, alam nyo ba na muntik na kaming makabili ng katulad ng bike na yun?Kasi gusto ni Norie. Hay naku! wish ko lang na kung magkakaroon nga ng Full House 2, makayanan sana ng asawa ni Norie yung nga kabaliwan nya dahil nakaka-loka talaga. Kaya para sayo Isid, GOOD LUCK!In fairness, isa lang yun sa mga few good memories ko ng tumira at nagtrabaho ako sa lugar na hate na hate ko na sana di ko na mabalikan.
Comments